Saturday, July 31, 2004
GOD IN ALL THINGS
Happy St. Ignatius Day
Limang araw ako pinatahimik
Limang araw na dapat mag-isa
Limang araw na masarap ang gising
Limang araw ng pahinga
Limang araw Mo ako sinamahan
Habang ako'y nagsulat at nagmuni-muni
Habang ako'y naglakad, natulog, at kumain
Limang maulap na araw, limang madilim na gabi
Limang araw Kitang nakita at naranasan
Sa mga ligaw na bulaklak sa isang sulok
Sa kape't tinapay na parang pang hari
Sa tatlong bituing nahulog sa likod ng bundok
Limang araw akong nakapahinga,
Napalagay at natahimik
Limang araw na tunay na gumising
`Di nag-isa sa yakap Mong malapit at tahimik
Remembering my Ignatian five-day silent retreat
Sacred Heart Novitiate
Novaliches, Quezon City
October 2000